Pag-atake sa oil facility ng Saudi Arabia, pinangangambahang magdulot ng epekto sa sektor mg transportasyon at enerhiya

A picture taken on September 15, 2019 shows an Aramco oil facility at the edge of the Saudi capital Riyadh. - Saudi Arabia raced today to restart operations at oil plants hit by drone attacks which slashed its production by half, as Iran dismissed US claims it was behind the assault. The Tehran-backed Huthi rebels in neighbouring Yemen, where a Saudi-led coalition is bogged down in a five-year war, have claimed thi weekend's strikes on two plants owned by state giant Aramco in eastern Saudi Arabia. (Photo by FAYEZ NURELDINE / AFP)

Nagbabala na si Senador Sherwin Gatchalian na magdudulot ng malaking pinsala sa sektor ng transportasyon at enerhiya ang nangyaring drone strike sa oil facility ng Saudi Arabia.

Ayon kay Gatchalian, ang Saudi Arabia ang top supplier ng krudo ng Pilipinas at dito rin umaangkat ng  33.7% na langis mula  2018.

Asahan na ayon sa Senador ang  paglobo ng presyo ng langis na may direktang epekto lalo na sa mga mahihirap bunga ng pag-atake.

Dahil sa insidente iginiit ng Senador ang paghahanap ng iba pang mapagkukunan ng suplay ng langis maliban sa Saudi Arabia.

Kung magiging malawak ang oil supplier portfolio ng bansa, hindi gaanong mararamdaman ng mga konsyumer ang pagbagsak o pagtaas ng presyo ng langis sa merkado.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *