Pagkatay sa mga manok na apektado ng bird flu, target tapusin ng DA ngayong araw

Target ng Department of Agriculture na matapos ngayong araw ang pagkatay sa 200,000 manok na tinamaan ng bird flu sa ilang poultry farms sa Pampanga.

Sinabi ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan na sisikapin nilang matapos ang culling at depopulation process ngayong araw para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Kaugnay nito, inihayag ng Bureau of Animal Industry na babayaran ang mga nagmamay-ari ng poultry farm ng compensation na 80  pesos kada kinatay na manok.

una nang idineklara ang state of calamity sa Pampanga kasunod ng bird flu outbreak sa bayan ng San Luis.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *