Pagsusumite ng 2020 proposed National Budget, maaantala- Malakanyang

Inihayag ng Malakanyang na hindi pa maisusumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang Proposed 2020 National budget sa Kongreso.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles aabutin pa 1 hanggang 2 linggo pa bago maisumite sa Kongreso ang proposed national budget.

Paliwanag ni Nograles mayroon pang mga inaayos na detalye sa National budget para maisapinal na ito at maibigay sa Kamara para gumulong na ang proseso ng pagsasabatas nito.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay hindi naipasa ng maaga ang 2019 national budget na naging dahilan ng pagkakaroon ng re-enacted budget nitong unang bahagi ng 2019 sa kabila ng maagang pagpasa din ng ehekutibo ng proposed budget sa Kongreso.

Una nang sinabi ng Malakanyang na umaasa silang hindi na mauulit ang pagkaantala ng pagpapasa ng National Budget dahil maraming mambabatas ngayon ang kaalyado ng Administrasyon.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *