Pangulong Duterte hindi na haharapin ang mga Pro at Anti Administration – Malakanyang

Hindi na pupuntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magra-rally na Pro at Anti -Administration kaugnay ng kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA.

Sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na hindi na pupuntahan ng Pangulo ang mga raliyista sa labas ng Batasan complex tulad ng kanyang ginawa noong nakaraang SONA.

Ayon kay Go kung talagang mahal ng mga Pro Administration ang Pangulo mananatili ang kanilang suporta.

Inihayag ni Go na ayaw na rin puntahan ng Pangulo ang mga Anti administration dahil kahit anong gawin ng Presidente ay puro negatibo ang kanilang reaksyon.

Niliwanag ni Go na gagawin lahat ng Pangulo ang kanyang trabaho para tuparin ang kanyang tungkulin para sa pagbabago.

Idinagdag ni Go na mahigpit ang bilin ng Pangulo sa pulisya na ipatutupad ang maximum tolerance sa lahat ng magsasagawa ng kilos protesta sa SONA.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *