Pangulong Duterte, hindi takot sa Impeach – Malakanyang

Hindi takot si Pangulong Rodrigo Duterte sa impeachment kaugnay ng kanyang paninindigan sa isyu sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea at relasyon ng Pilipinas at China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mismong si Pangulong Duterte na ang naghahamon sa kanyang mga kritiko na sampahan siya ng impeachment sa kongreso.

Ayon kay Panelo walang ginawang labag sa saligang batas ang Pangulo dahil ang kanyang mga ginagawa ay ginagampanan ang kanyang tungkulin alinsunod sa batas na protektahan ang kapakanan at kaligtasan ng sambayanang Pilipino.

Inihayag ni Panelo na malabo ring magtagumpay ang impeachment case laban sa Pangulo dahil hawak ng administrasyon ang super majority sa magbubukas na 18th Congress.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *