Pangulong Duterte, ikakampanya ang kaniyang mga personal choice na Senatoriables – Malakanyang

Tanging ang mga personal choice lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga Senatoriables ang kanyang ikakampanya.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng opisyal na pagsisimula ng campaign period para sa midterm election sa Mayo.

Sinabi ni Panelo na maliwanag ang pahayag ng Pangulo na tulungan niya ang mga kandidato na sa palagay niya ay karapatdapat na maging Senador.

Ayon kay Panelo may criteria ang Pangulo para sa kanyang personal choice na Senatoriables.

Inihayag ni Panelo na taongbayan ang magpapasya sa pamamagitan ng balota kung sino-sino ang maluluolok sa Senado.

Hindi naman masabi ni Panelo kung maliban sa mga personal choice ng Pangulo ay ikakampanya din ng Chief Executive ang mga senatoriables mula sa kanyang partido na PDP Laban at ang Hugpong ng Pagbabago Party na binuo ni Presidential Daughter Mayor Sarah Duterte.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *