Pangulong Duterte may itinalaga ng kapalit sa pinagbitiw na DOJ Assistant Secretary ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra

May itinalagang nang bagong assistant secretary  ng DOJ si Pangulong Duterte kapalit ng nagbitiw  na si Justice Assistant Secretary Moslemen Macarambon.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra pero tumangging pangalanan ang ipinalit kay Macarambon.

Ipinauubaya na lang ni Guevarra sa Malakanyang ang pag-aanunsyo sa bagong opisyal ng DOJ.

Ayon kay Guevarra, katumbas ng pagsibak ang sinapit ni Macarambon na nahaharap sa alegasyon ng katiwalian dahil sa pagkakasangkot  sa gold at jewelry smuggling.

 

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *