Pangulong Duterte, walang victory party para sa mga nanalong kandidato ng administrasyon

Walang magaganap na victory party si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga nanalong kandidato ng administrasyon sa ginanap na halalan sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang hilig si Pangulong Duterte sa victory party.

Ayon kay Panelo nais ng Pangulo na trabaho ang dapat atupagin ng mga bagong halal na kandidato para mapaglingkuran ang taongbayan.

Batay sa partial result ng bilangan ng boto sa senatorial race pasok sa majic 12 ang mga manok ng administrasyon.

Kaugnay nito nagpaabot ng panawagan ang Malakanyang sa grupo ng oposisyon na makipagtulungan na lamang sa administrasyon para sa ikauunlad ng bansa.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *