Panibagong lindol sa Mindanao, naramdaman ni Pangulong Duterte sa Davao city

Nasa ligtas na kalagayan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos yanigin ng panibagong lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kasama ang Davao City.

Sinabi ni Senador Bong Go na pupunta sana si Pangulong Duterte sa Comfort Room o CR ng biglang lumindol.

Ayon kay Senador Go nasa kanyang bahay si Pangulong Duterte at nagpapahinga para sa kanyang biyahe bukas sa Bangkok Thailand upang dumalo sa ASEAN summit.

Inihayag ni Senàdor Go na gumagawa na ng kaukulang hakbang ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga residenteng tinamaan ng lindol sa ikatlong pagkakataon ngayong buwan.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *