Papua New Guinea Prime Minister bumisita kay Pangulong Duterte sa malakanyang

Bisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang si Papua New Guinea Prime Minister Peter O’ Neil.

Si PM O’ Neil ay nasa Pilipinas para sa dalawang araw na official visit mula Mayo 15 hanggang Mayo 17.

Sa pulong nina Pangulong Duterte nagkaroon ng lagdaan ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Papua new guinea na may kinalaman sa negosyo partikular sa larangan ng agrikultura.

Magtutungo din si Prime minister O’ Neil sa Philippine Rice Research Institute sa Muńos Nueva Ecija para sa teknolohiya sa pagtatanim ng palay bago bumalik sa Papua New Guinea.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *