Petisyon ng Rappler, hindi pa maaksyunan ng Korte Suprema hanggang sa katapusan ng Mayo

Posibleng matulog muna ng mahigit isang buwan ang petisyon ng Rappler sa Korte Suprema.

Ito ay dahil nagsimula na ang isang buwang recess at writing break ng mga mahistrado ng Supreme Court.

Ang buong buwan ng Mayo ay decision writing month ng Korte Suprema para mabigyan ng oportunidad ang mga mahistrado na mapagtuunan ang pagsusulat ng mga ponencia, separate opinions at reflections sa mga kasong nakabinbin sa kanila.

Kung hindi magpapatawag ng special session ang Korte Suprema at kung hindi isasama rito ang petisyon ng Rappler ay hindi pa ito maaksyunan.

Nais ng Rappler na ipawalang-bisa ang pagbabawal sa kanila ng Malacañang na i-cover si Pangulong Duterte dahil paglabag ito sa freedom of press, speech,  at equal protection at due process.

Ulat ni Moira Encina

ReplyReply allForward
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *