Philippine Arena, napili para sa 2019 Sea Games opening

Napili ang Philippine Arena para pagdausan ng opening ceremonies ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Sinabi ni Sea games federation planning and coordination Executive Director Ramon Tats Suzara, idaraos ang Sea Games mula November 30 hanggang December 30, 2019.

Ayon kay Suzara, digital ang magiging disenyo para sa opening ng palaro.

Aniya, Asian games level ang kanilang gagawing paraan sa pag-organisa sa Sea Games.

Sa tatlong lungsod sa Pilipinas idaraos ang kabuuan ng 2019 Games , sa Clark Green city, Subic, at sa Maynila.

Sa Clark gaganapin ang athletics at swimming competitions at ito rin ang magsisilbing main sporting hub.

Samantalang sa Subic naman gagawin ang triathlon, duathlon, sailing, at windsurfing. habang sa maynila naman isasagawa ang basketball, volleyball, boxing, at gymnastics.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *