Pilipinas, nakapag-uwi ng 103 medalya sa Skate Asia 2018

 

Nakapag-uwi ng 103 medalya  ang mga manlalaro ng Pilipinas sa katatapos na Skate Asia 2018 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Labimpitong  Filipino figure skaters ang lumahok sa 100 events sa torneo na ginanap mula Agosto 5 hanggang 12.

Binubuo ito ng 50 gold medals, 43 silver medals at 10 bronze medals.

Aabot sa 1,000 mga skaters ang lumahok mula sa China, Malaysia, Hongkong, Singapore at Vietnam.

Nakuha ng 13-anyos na si Justine Gabrielle Lim ang unang puwesto sa pitong events habang ang 16-anyos na si Karylle Cate Kho ay nanguna sa limang events.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *