Pilipinas, nakumbinsi ang European Union Parliament na itigil na ang pagbibigay ng pondo sa CPP/NPA

Matagumpay na nahimok ng Philippine Mission to European Union Parliament na mapigil ang pondong ibinibigay ng European Union sa mga front organization ng terrorist group na Communist Party of the Philippines New Peoples Army o CPP/NPA.

Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni Philippine Mission member at Civil Military Operation Chief Brigadier General Antonio Parlade na ikinagulat ng European Union ang nalaman nila na ang pondo na ibinibigay sa CPP NPA ay nagagamit sa terror activities ng mga rebeldeng kumunista.

Ayon kay General Parlade pumayag ang mga miyembro ng European Union na suspendihin ang pagbibigay ng pondo sa mga communist front organization sa bansa tulad ng Ibon Foundation at Karapatan.

Inihayag ni Parlade na hinihingi ng European Union sa Pilipinas magbigay ng mga ebidensiya para tuluyan ng putulin ang suporta sa CPP NPA terror group.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *