Problema sa kakulangan ng suplay ng tubig pinaiimbestigahan sa senado

Pinaiimbestigahan na sa senado ang dahilan ng nangyayaring kakulangan ng suplay ng tubig kung saan apektado na ang metro manila at rizal provinces.

Sa harap ito ng mahabang water service interruptions ng manila water kung saan apektado na ang mga residente, business establishments at ilang ospital.

Sinabi ni Senador Sonny Angara na dapat pagpaliwanagin rin ng regulator ng gobyerno ang manila water sa mahabang water interruption gayong ayon sa maynilad walang problema sa suplay ng tubig

Hndi aniya pwedeng isisi agad sa epekto ng el nino dahil may pahayag ang PAGASA na sapat pa ang tubig sa mga dam para magsuplay ng tubig lalo na sa Metro Manila.

Ipinapanukala ni Angara ang structural reforms sa water sector para magkaroon ng mas maayos na sistema sa pagsusuplay ng tubig.

Ayon kay Angara tatlumpung ahensya ng gobyerno ang tumutugon sa isyu ng water at sanitation policy gaya ng National Water Resources Board, Local Water Utilities Administration at Metropolitan Water Sewerage System pero nagkakaroon pa rin ng problema sa suplay ng tubig.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *