Proclamation rally ng PDP-Laban sa Zamboanga city, mapayapa

Halos walang ng tao na ang Zamboanga City coliseum ng iproklama kanina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng partido PDP Laban pasado alas-2 ng madaling araw.

Alas-11 kagabi dumating ang Pangulo sa Zamboanga city mula sa turn-over ceremony ng Government project sa Isabela city Basilan.

Pero hindi nakaakyat kaagad sa Proclamation area ang Pangulo dahil sa Security briefing ng Regional Peace and Order council sa Zamboanga Peninsula sa pangunguna ni Zamboanga city mayor Maria Isabelle Climaco na umabot ng higit dalawang oras.

Dinagsa ng mga Senatoriable ni Pangulong Duterte ang Zamboanga city at Basilan kahapon para ikampaniya ang kanilang mga manok sa Senado.

Bagaman naantala ang Proclamasyon, naging mapayapa naman daw ang grandrally ng kampo ng Pangulo, na siyang pang-apat na grand rally sa mga manok ng Pangulo sa buong kampaniya para sa midterm election ngayong Mayo.

 

Ulat ni Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *