The fitness couple ng NET 25 at Radyo Agila, wagi sa isinagawang body building competitions

“To be fit and healthy, body mind and spirit sa pamamagitan ng pagkain ng tamang pagkain na alam nating makabubuti para sa ating katawan, iyon ang ating kainin sa pang araw araw”.

Ito ang mensahe ng The fitness couple na sina Sid and Liza Schneider na nais nilang matimo sa puso at isip ng lahat ng tao para sa gayon ay  magtaglay din sila  ng physically fit at away from sickness katulad ng taglay nilang pangangatawan sa kasalukuyan.

Ang  nabanggit na mag asawa ay kabilang sa mga lumahok sa Mr. and Ms. Natural Physique 2017.

Isang natural body building competitions na pinangunahan ng  natural bodybuilding and fitness association o NBFA Incorporated.

Ang NBFA ay isang non-stock,  non-profit, organization na naglalayong mapataas ang kamulatan o awareness ng publiko tungkol sa natural body building sa pamamagitan ng  mga events tulad ng seminars, workshops at competitions.

Dagdag pa ni Mr .at Mrs. Schneider na kahit na nasa golden years na pataas, maaari pa ring lumahok sa bat’ibang body building competition, ang mahalaga, pinangangalagaan ang katawan sa pamamagitan ng tamang nutrisyon at paglalaan ng oras upang mag ehersisyo.

Suportado nilang mag asawa ang natural at healthy sustainable fitness para sa pamilyang Pilipino.

Ulat ni : Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *