Diokno highway bridge sa Lemery, Batangas, pinasinayaan na

Pinanguhan ni DPWH Secretary Mark Villar ang inagurasyon sa pagbubukas ng Diokno highway bridge para sa mga motorista na dumadaan sa Diokno highway, Lemery , Batangas.

Dinaluhan din ito ni Congresswoman Eileen Ermita-Buhain ng 1st district ng Lemery, Batangas, Calaca Mayor Boogle Ona, kasama ang mga opisyal at inhinyero ng DPWH upang saksihan ang nasabing aktibidad.

Ang Diokno Highway bridge ay may haba na 90 meters na sinimulan ginawa noong april 10, 2017 at ito ay natapos ng mas maaga sa target date.
Ito isa sa mga pangunahing proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa build, build, build project ng gobyerno.

Matatandaan ang nasabing daan ay unti-unti itong nasira dahil sa bagyo at gumuho dulot ng soil erosion at naging peligro ito sa mga motorista. kung kaya’t nagkaroon ng pagkakataon na isaayos ito ng pangmatagalan.

Ito ay ginugulan sa halagang P89,414,000.00 ng pamahalaang nayosnal sa inityatibo ni cong. ermita-buhain upang matugunan ang ligtas na daan na mas madali sa biyahe ng mga transportasyon o motorista na galing sa tagaytay papuntang lemery at iba pang karatig bayan.

Layunin din nitong maibigay ang maayos at ligtas na serbisyo sa mga motorista upang maiwasan ang panganib o peligro at higit sa lahat umiksi ang oras ng biyahe.

Ulat ni Wilson Palima

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *