Na-pending na mga road construction sa Bataan, itutuloy ng DPWH

Patuloy ang monitoring ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga on-going road construction partikular sa Bataan.

Ayon KAY DPWH district 2 Engineer Ulysses Llado, marami ang nabinbin nilang mga proyekto dahil sa nakalipas na sunud-sunod na pagdating ng bagyo at mag pag-ulan.

Kabilang dito ang pagpapaganda ng Roman Superhighway o Bataan Provincial Expressway sa bayan ng Mariveles na medyo na-delay.

Samantala, ipinahayag pa ni Llado na pagsapit ng 2019 ay marami silang nakalinyang mga major projects.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *