Public service event ng Eagle Broadcasting Corporation, dinagsa

Dinagsa ng mga kababayan natin mula sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila ang isinagawang Public service activity ng Eagle Broadcasting Corporation o EBC.

Ang event ay pinangunahan ng DZEC-Radyo Agila katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Philhealth, Pag-Ibig at Philippine Statistics Authority o PSA.

 

Bukod sa mga ahensya ng Gobyerno, naglaan rin ng oras ang mga abugado mula sa New Era University, Quezon City-College of Law upang makapagbigay ng libreng serbisyong ligal.

Ang aktibidad ay may temang “Paglilingkod sa Bayan, Serbisyo para sa mamamayan”.

Ang pubic service event ay bahagi ng paggunita ng himpilan sa kaniyang ika-50 anibersaryo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *