Publiko pinaghahanda ng Malacañang sa bagyong Paeng

Inalerto na ng Malakanyang ang mga lugar na makakaramdam sa bagyong Paeng.

Sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go bagamat hindi kasinglakas ng bagyong Ompong ang bagyong Paeng kinakailangan parin ang paghahanda.

Ayon kay Secretary Go bagamat hindi tatama sa kalupaan ng bansa magdudulot naman ito ng pag-ulan sa dulong hilagang luzon batay sa pagtaya ng pag-asa.

Ang dulong hilagang luzon lalo na ang Batanes Group of Island ay naapektuhan ng bagyong Ompong kaya maaaring magdulot ng pagbaha at landslide ang ulan na dala ng bagyong Paeng.

Inaasahan din na sa araw ng Biyernes mararamdaman ang epekto ng bagyong Paeng sa dulong hilagang luzon.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *