Pulis, patay sa ambush sa Quezon City

Dead on the spot ang isang pulis matapos na tambangan ng riding in tandem sa kanto ng V. Luna at Kalayaan avenue Barangay Malaya, Quezon City kagabi.

Kinilala ang biktima na si PO3 Rufino Gabis, 47 anyos na nakatalaga sa District Headquarters service support unit ng Quezon City Police District.

Ayon sa mga bystander, apat na putok ng baril ang kanilang narinig sa lugar.

At dahil nakalock ang pintuan ng sasakyan, hindi kaagad ito nabuksan ng mga otoridad kaya kinailangan pa itong basagin.

Nang mabuksan ang SUV tumambad sa mga otoridad ang patay nang driver nito na duguan at may mga tama ng bala.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), minamaneho ni Gabis ang isang puting SUV nang ito ay tumigil sa kanto ng Kalayaan at V. Luna dahil sa stoplight at lumapit ang mga nakasakay sa motorsiklo.

Nakuhaan pa ng CCTV ang pagdaan ng SUV gayundin ang mga nakasakay sa motorsiklo na suspect.

Bumaba ang isang sakay ng motorsiklo at dito na ito pinaulanan ng bala ang sasakyan na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.

Hindi na nakalaban ang biktima dahil malapitan itong binaril.

Inaalam pa ng mga otoridad ang posibleng motibo sa pagpatay sa biktima.

Narekober sa biktima ang dalawang baril, mga identification cards, mga bala at mga sarili pa nitong kagamitan.

Inaalam pa rin sa kasalukuyan ang posibleng motibo sa pagpatay sa biktima.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *