SALN ni Solicitor General Calida, hiniling na isapubliko

Ipinapasapubliko ng isang pribadong indibidwal kay Solicitor General Jose Calida ang SALN nito noong 2016 at 2017 para daw mapatunayan kung idineklara ang tunay na yaman nito.

Sa dalawang -pahinang liham ni Jocelyn Marie Acosta kay Calida, sinabi na dahil si Calida ang arkitekto ng quo warranto case laban kay Maria Lourdes Sereno ay mayroong itong burden na patunayan na mas mayroon itong integridad kaysa sa pinatalsik na Punong Mahistrado.

Batay anya sa General Information Sheet na inihain sa Securities and Exchange Commmission noong September 29, 2016, si Calida ang nagma-may-ari ng 60 % ng capital stock ng Vigilant Investigative and Security Agency, Inc. o VISAI habang ang nalalabi ay sa miyembro ng pamilya nito.

Ayon pa kay Acosta, may conflict of interest ang ownership ni Calida sa VISAI dahil ito ang nagsisilbing security agency ng apat na ahensya ng gobyerno na National Economic Development Authority, National Anti-Poverty Commission, PAGCOR at National Parks Development Corporation.

Una na ring hiniling ni Acosta sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang Solgen para sa posibleng paglabag sa Code of Conduct for Public Official dahil sa majority share sa nasabing security agency.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *