Seguridad sa pangalawang bugso ng BOL Plebiscite sa Feb. 6, kasado na

Pipilitin ng mga otoridad na mas mapabuti pa ang pangalawang bugso ng  Bangsamoro Organic Law (BOL) Plebiscite sa darating na Pebrero 6.

Ayon kay Westmincom spokesperson Col. Gerry Besana, kung may mga problema mang naranasan sa nakaraang plebisito noong Enero 21 ay pipilitin nilang maiwasan ito para sa ikaaayos ng halalan.

Kasabay nito sinabi ni Besana na handang-handa na ang buong puwersa ng Westmincom katuwang ang pnp at afp sa pagbibigay seguridad sa mga mamamayan.

Yung mga naranasan natin noong akaraang January 21 kahit pa sabihin nating kakaunti lang ang naging problema ay pipilitin nating mas mapabuti pa at maiwasan ang mga aberya. Naka-ready na ang ating Armed Forces katuwang ang PNP para matulungan natin ang Comelec na matapos ng maayos ang plebisito” – Col. Gerry Besana, Westmincom spokesperson

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *