Senador Panfilo Lacson, hindi kumbinsido sa alegasyon ni Alyas Bikoy

Hindi kumbinsido si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa mga panibagong alegasyon ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na nagdadawit sa Liberal Party.

Sa isang statement sinabi ni Lacson na ipinauubaya niya na sa Philippine National Police ang pag-alam kung may katotohanan ang mga ibinunyag nito.

Pero bilang dating pinuno ng PNP, sinabi ni Lacson na kailangang magpakita ni Bikoy ng mga ebidensya.

Wala aniya itong kredibilidad kaya kailangan niyang patunayan kung nagsasabi ng katotohanan gaya ng paglalabas ng regular na komunikasyon at katunayan ng regular na pakikipagpulong sa mga taga Liberal Party.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *