Senador Trillanes hindi uurungan ang kasong isasampa laban sa kanya sa pagbaba sa puwesto sa June 30

Hindi uurungan ni Senador Antonio Trillanes ang ikinakasang mga imbestigasyon laban sa kanya pagbaba sa puwesto sa June 30.

Kasunod ito ng pahayag ni Senator-elect Bong Go na dapat maimbestigahan ang mga inilantad ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na si Trillanes umano ang nasa likod ng gawa-gawang video na may titulong “Ang Totoong Narcolist” at umano’y ouster plot laban sa Duterte administration.

Pero ayon kay Trillanes, hindi siya natatakot dahil may pinanghahawakn rin syang mga ebidensya laban kay alyas Bikoy.

Iginiit ni Trillanes na bahagi lang ito ng pangha-harass laban sa kanya ng administrasyon.

Hinamon naman ni Trillanes ang kaniyang mga krtiiko na kung talagang may ebidensya ay magsampa na lamang ng kaso sa Korte.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *