Senador Trillanes, nagbanta na kakasuhan ang magkakapatid na Tulfo

Nagbanta na si Senador Antonio Trillanes na kakasuhan ang magkakapatid na Tulfo kaugnay ng anomalya sa Department of Tourism.

Ito’y dahil sa pagtanggi ni Ben Tulfo na isauli ang 60 million na ginastos sa advertisement sa kanilang programang bitag mula sa DOT sa pamamagitan ng kapatid na si dating Secretary Wanda Teo.

Sinabi ni Trillanes na plunder ang kasong isasampa niya laban sa magkakapatid lalu’t napatunayan sa report ng Commission on Audit na nagkaroon ng Notice of Disallowance.

Kabilang sa mga planong kasuhan ni Trillanes sina dating Secretary Teo at mga kapatid na sina Erwin at Ben Tulfo.

Kasabay nito kinakapampag ni Trillanes ang Senate Blue ribbon committee na aksyunan ang kaniyang resolusyon na humihiling na imbestigahan ang mga anomalya sa DOT sa ilalim ng pamumuno ni Wanda Teo.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *