Senator-elect Bong Go, hinamon si Senador Antonio Trillanes na lumabas at harapin ang pagbubunyag ni alyas Bikoy

Ngayong pinasinungalingan na ni Peter Advincula alyas Bikoy ang mga nauna niyang inilabas na video na may titulong “Ang Totoong Narcolist”, malinaw na black propaganda lamang ang lahat ng ito upang pabagsakin ang administrasyong Duterte.

Ayon kay Senator-elect Christopher Bong Go, pinaglalaruan lamang ni Senador Antonio Trillanes ang pulitika ng bansa.

Tiyak na tiyak aniya siya na si Trillanes ang isa sa mga nasa likod ng mga nasabing videos dahil hindi magagawa ni Bikoy mag-isa ang lahat ng mga paninirang ito.

Isa aniya siya sa mga naging biktima ng mga pekeng balita  matapos niyang ilang beses na hubarin ang kaniyang damit para ipakita na wala siyang tattoo sa likod gaya ng sinasabi sa video.

Kasabay nito, hinamon ni Go si Trillanes na lumabas at harapin ang mga naging pagbubunyag ni Bikoy.

Alam natin na wala nang ibang ganyang karuming mag-isip. Proven na yan noong 2016 napakarumi talaga nyang si Trillanes. Itong si Trillanes tawag niya kay Pangulong Duterte ay Mr.Duterte ngayon tawagin na rin kita Mr. Trillanes, lumabas ka kung ikaw ang na sa likod nito. Parating rin tayo upang malaman ang tunay na nasa likod ng mga paninirang ito. Bilog ang mundo at lalabas din ang katotohanan”.

Samantala sinabi pa ni Go na patuloy niyang susuportahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya nito kontra droga.

Nagpasalamat rin si Go sa lahat ng mga sumuporta at nagluklok sa kaniya sa Mataas na Kapulungan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *