Slovakia tiniyak na mabibigyan ng hustisya ang pinatay na Pinoy Analyst – DFA

Tiniyak ng Prime Minister ng Slovakia na mabibigyan ng katarungan ang kaso ng pagpatay kay Henry John Acorda, ang Pinoy na financial analyst sa isang multi national company doon.

Ayon kay Foreign Affairs Alan Peter Cayetano, nagpapasalamat ang Pilipinas sa mabilis na aksyon ng gobyerno ng Slovakia

Si Acorda ay  binugbog ng Slovak national na si Juraj Hossu sa Bratislava sidewalk noong Sabado matapos ipagtanggol ang Pinay na biktima ng sexual harassment.

Namatay si Acorda matapos ang ilang araw sa ospital dahil sa mga tinamong suntok at bugbog sa katawan.

Tiniyak naman ni Cayetano na mabibigyan ng financial assistance ang pamilya ng Pinoy.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *