Special elections sa Jones, Isabela na isang election hotspot, payapang naisagawa. Mga nanalo, naiproklama na

Naiproklama na ang mga nanalong kandidato para maging miyembro ng sangguniang bayan ng Jones, Isabela matapos matiwasay na maisagawa ang special elections sa Brgy. Dicamay 1.

Dakong 7:30 ng gabi nang makarating ang mga vote counting machines sa munisipyo at noon pa lamang nasimulan ang pagbibilang at transmission ng mga boto dahil pahirapan ang signal sa naturang baranggay.

Makalipas ang dalawang oras ay naiproklama na ang mga nanalo, kung saan ang dating rank 8 na kandidato ay bumaba sa rank 9, habang ang dating rank 9 ang pumasok sa top 8 sa lamang na 35 boto lamang.

Wala namang nabago sa ranking ng iba pang mga kandidato.

ang special elections ay ginawa matapos sunugin ng mga di pa kilalang salarin ang dalawang VCM sa Brgy. Dicamay, Jones, Isabela.

Ulat ni Cesar Agcanas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *