Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.7 na lindol

Niyanig  kagabi ng magnitude 5.7 na lindol ang Surigao Del Norte.

Ayon sa Philippine Volcanology and Sesimology o Phivolcs, naitala ang epicenter  ng lindol sa layong siyam na kilometro sa bayan ng Libjo at may lalim na 22 kilometro.

Dahil sa lakas ng lindol, naramdaman ang intensity five sa bayan ng Libjo, Surigao city, mga bayan ng Guiuan, Mercedes at Salcedo sa Eastern Samar at San Jose sa Dinagat island.

 

==============

 

intensity four naman sa bahagi ng carrascal at cantilan sa surigao del sur, ilang bahagi ng eastern samar, southern leyte, leyte, butuan city, placer at mainit sa surigao del norte at roasio agusan del sur.

 

wala namang naitalang pinsala ang lindol bagamat ibinabala ng phivolcs ang mga aftershock.

end

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *