Tanauan City Mayor Antonio Halili,  patay sa pamamaril

Patay ang kontrobersyal na Mayor ng Tanauan, Batangas matapos itong barilin habang nasa Flag raising ceremony.

Dead on arrival sa C.P. Reyes hospital si Mayor Antonio Halili matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib.

Ayon kay Chief Supt. Edward Caranza, hepe ng Calabarzon-PNP, patapos na ang National anthem nang makarinig ang lahat ng putok ng baril at nakita na lamang nila na may tama ang alkalde.

Nakilala si Mayor Halili bilang Duterte ng Batangas dahil sa kanyang kontrobersyal na ‘Walk of Shame’.

Sa Walk of Shame ipinaparada ni Mayor ang mga pinaghihinalaang kriminal na may nakasabit na placard kung saan nakasulat ang ginawa nilang krimen.

Pero sa kabila nito, nakasama naman si Mayor Halili sa Narco-list ng Pangulong Rodrigo Duterte.

 

============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *