Tropical Depression Chedeng,isa na lamang LPA

Bagaman inalis na ng PAGASA ang tropical cyclone warning signals sa ilang lugar sa mindanao matapos maging isang Low Pressure Area o LPA si Chedeng, may heavy rainfall warning naman na insyu ang PAGASA sa Davao Oriental, Compostela valley, Davao del Norte, South Cotabato, Sultan Kudarat at Lanao del Norte.

Ibig sabihin makakaranas ng moderate to heavy rains ang mga lugar na ito na nagsimula kaninang 11am na tatagal hanggang alas-2 ng hapon.

Ang ulan na babagsak kapag heavy rainfall ay nasa mahigit 7.5 milimiters per hour at kapag moderate rainfall naman ay 2.5 milimeters per hour.

Ayon kay Benny Estareja, weather forecaster ng PAGASA-DOST, kayang magpabaha ito sa mga lugar na tatamaan.

Kaya nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Inaasahan naman malulusaw ang LPA  bago pa man ito makalabas ng Phil Area of Responsibility, sa Luzon at Visayas naman ay walang mararanasan pag-ulan.

Batay sa monitoring ng pPAGASA-DOST, wala pang panibagong parating na bagyo.

Samantala, inaasahang sa huling ng linggo ng buwang ito ay posibleng ideklara na ang dry season o tinatawag ng ating mga kababayan na summer season na lalong magpapainit sa panahon.

Tuloy tuloy pa rin ang pagbaba ng tubig sa mga dam sa bansa dahil sa El Nino.

Ayon kay Estareja, 95 percent ng mga probinsya sa bansa ang nakaranas na ng way below normal of rainfall.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *