28 Milyon, nag-apply para sa 90,000 trabaho sa Indian Railways

 

Ang itinuturing na World’s 10th largest employer ay nag-aalok ng 90,000  mga posisyon, sa magkabilang panig ng India para sa mga prospective engine drivers at iba pang trabahador.

Ang pagdagsa ng mga aplikante para sa mga posisyong ang suweldo ay nasa pagitan ng 200 at 220 pounds kada buwan, ay bunsod ng pinalawig na deadline para sa application.

Halos nasa siyam na milyon ang sinasabing nag-apply sa huling limang araw bago ang orihinal na deadline, at nasa 26,000 assistant train Driver jobs ang ipinaskil kasabay ng halos 63-libong iba pang mga posisyon gaya ng Porters o Metal workers.

Karamihan sa mga posisyon ay may family accommodation.

Ang rail network ng India, na nagma-manage ng 75,000 milya ng riles, na may 1.3 milyong mga empleyado, at nagsasakay ng 8.2 bilyong mga pasahero kada taon, ay sumasailalim sa massive modernization program para maging updated.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *