Lalaki sa Germany, araw-araw nilalangoy ang Isar River para makaiwas sa trapik papasok sa trabaho

Isang lalaki sa Germany na araw araw nilalangoy ang ilog para makapasok sa  kaniyang trabaho.

Katwiran ni Benjamin David, nilalangoy niya ang Isar River sa layuning makaiwas sa matinding daloy ng trapiko.

Dalawang kilometro ang layo ng ilog na kanyang nilalangoy para lamang makarating siya sa kaniyang opisina sa Kulturstrand.

Aniya ,bukod sa makakaiwas siya sa siksikan sa tren at polusyon sa kalsada dulot ng mga sasakyan ay nag-eenjoy at nakakapag relax pa si David bago makapasok sa trabaho.

Gagdag pa ni David ,  bukod sa makakatipid siya sa pamasahe ay ito na rin ang nagsisilbi nyang exercise sa umaga.

Ulat ni: Marinell Ochoa

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *