UPDATE: 49 na ang patay sa mosque shooting sa New Zealand

Umabot na sa  apatnapu’t siyam (49) ang patay at dalawampu (20) ang sugatan sa pag-atake ng isang gunman sa mosque sa Christchurch City, New Zealand.

Ito ang kinumpirma ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern matapos ang naganap na mass shooting.

Kaugnay nito, itinaas na sa high ang national security threat level sa naturang bansa.

Batay naman sa inisyal na imbestigasyon, pumasok ang suspek  sa Masjid Al Noor mosque, 10 minuto matapos magsimula ang afternoon prayers at saka nagsimulang mamaril.

Isinunod ng suspek na puntahan ang Linwood Masjid  at doon muli siyang namaril.

Matapos ang mass shooting may mga nakita pang improvised explosive device na ikinabit sa mga sasakyan sa Christchurch.

Sa ngayona ay may apat na kataong hawak ang mga otoridad habang patuloy pang pinaghahanap ang gunman na kinumpirmang isang Australian born citizen.

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *