Vice Mayor ng Trece Martires sa Cavite, patay matapos tambangan

Patay ang vice mayor ng Trece Martires, Cavite p matapos tambangan kaninang pasado alas-3:00 ng hapon.

Base sa mga pulis na unang rumesponde sa pangyayari, namatay si Vice Mayor Alexander Lubigan matapos pagbabarilin sa harapan ng isang Korean hospital sa Trece-Indang road sakay ng Toyota Hilux .

Napag-alaman na pauwi na ang bise alkalde nang tambangan ng suspek na sakay ng isang Mitsubishi Montero.

Sugatan sa pamamaril ang driver at bodyguard ni Lubigan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente ng pamamaril sa bise alkalde.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *