Wallet na tinaguriang pinakaligtas sa buong mundo

Ang Volterman wallet kapag tiningnan ay tila isang pangkaraniwang  leather wallet subalit kapag ito ay susuriing mabuti mayroon itong built-in alarm system,  Global GPS tracker  at front facing camera .

Bukod dito meron itong 512 mb na RAM, RFID protection at WIFI hotspot.

Maituturing na ligtas ang naturang wallet dahil sa sandaling naiwanan o aksidenteng malaglag ay agad na tutunog ang alarm system nito na nakakonekta sa cellphone.

Aat sa pamamagitan naman ng GPS system  ay  malalaman kung saan ang lokasyon nito at RFID protection system naman ay dinisenyo para maiwasan ang  electronic pick-pocketing at maging  credit cards skimming.

Ang WIFI naman ay nakadisenyo para makakonekta sa internet roaming service sa siyamnaput walong bansa.

Ulat ni: Marinell Ochoa

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *