Work suspension sa pananalasa ng bagyong Ompong, ipinauubaya na ng Malakanyang sa mga lokal na pamahalaan

Hindi na manggagaling sa Malakanyang ang work suspension order sa mga tanggapan ng gobyerno kaugnay ng paghagupit ng bagyong Ompong.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ipinauubaya na ng Malakanyang ang work suspension order sa mga Local Chief Executive.

 Ayon kay Roque, ang mga lokal na pamahalaan ang nakakaalam ng sitwasyon sa kanilang nasasakupan kaugnay ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Karaniwang nanggagaling sa Executive Secretary office ang Proclamation ng Work suspension order sa panahon ng kalamidad.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *