World Blood Donor day gugunitain…samantala DOH, hinihikayat ang publiko na magdonate ng dugo

Tuwing sasapit ang  June 14 ginugunita ng buong mundo ang World Blood Donor day.

Nilalayon nitong maitaas ang kamalayan ukol sa Blood donation.

Bukod dito, nilalayon din ng pagdiriwang  na pasalamatan ang mga taong kusang-loob na nagdo-donate ng kanilang dugo upang makapagligtas ng buhay.

Samantala,  ayon sa pag aaral,  napakaraming benepisyong pangkalusugan ang idinudulot ng pag do-donate ng dugo.

Kabilang  dito ay ang pagbaba ng panganib sa pagkakaroon ng sakit sa puso.

Nagpapababa rin ng panganib  upang dapuan ng cancer at napananatiling malusog ang  liver.

Kapag nagdo-donate ng dugo,  madaling masunog ang kaloriya sa katawan.

Ayon sa Health Psychology,  ang blood donation ay  nakatutulong na madugtungan ang buhay ng ibang pasyente, naisasalba rin ang kalusugan ng nag do donate  at napahahaba pa umano ang sariling buhay.

Mayroong walong type ng dugo, ang A, B, AB at O positive ay tinatawag na RH+ habang, ang A-, B-, AB- at O- ay ang tinatawag na RH- na napakadalang na uri ng dugo.

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *