Zambales at Abra, niyanig ng lindol

 

 

 

 

 

 

 

 

Magkasunod na pagyanig ang naitala ng phivolcs sa  mga lalawigan ng Zambales at Abra.

Unang naitala ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Palauig sa Zambales  1:41 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim ng 23 kilometers.

Samantala,  3:31 naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa bayan ng Malibcong sa Abra.

Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa 3 kilometers north ng Malibcong.

Kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *