1.7 milyong halaga ng shabu, nasabat sa 2 suspect sa Taguig city

Nadakip ng mga operatiba ng Special Operations Unit-4A, PNP-DEG at PDEA-NCR sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig city ang dalawang drug suspect.

Nakilala ang mga suspect na sina Reggie Villar Pariño, 28 anyos at residente ng 33-A Reyes, Purok 3, Brgy Lower Bicutan, Taguig City at Jerry Bitancor Adriano, 33 anyos at residente ng No 230- A, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Nakumpiska sa mga ito ang nasa 250 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 1.7 milyong piso.

Maliban sa sahbu, nakuha rin sa mga suspect ang isang 1,000 peso bill at 325 piraso ng 1,000 boodle money na nasa kustodiya na ng SOU 4A, PNP DEG.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 ang mga suspect.

Please follow and like us: