1 Pulis ang patay, 3 sugatan sa insidente ng pamamaril sa Texas

Isang pulis ang patay , habang tatlong iba pa ang nasugatan sa insidente ng pamamaril sa Lubbock, Texas.

Batay sa report ng local media, rumesponde ang apat na pulis sa isang tawag na may nagaganap na kaguluhan sa lugar.

Sinasabing nagkaroon ng standoff ang mga pulis at isang armadong lalaki sa loob ng isang bahay sa levelland, sa lungsod ng Lubbock.

Hindi pa malinaw kung bakit nauwi sa pamamaril na ikinasawi ng isang pulis at ikinasugat ng tatlong iba pa.

Dalawa sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kondisyon.

Agence France – Presse

Please follow and like us: