10 barangay sa Biñan City, Laguna, wala nang aktibong kaso ng Covid-19

Wala nang aktibong kaso ng Covid-19 sa sampung Barangay sa Biñan city, Laguna.

Ang mga ito ay ang mga Barangay ng Tubigan, Timbao, Soro Soro, Sto. Domingo, San Vicente, Poblacion, Malamig, Malaban, Ganado at Bungahan.

Zero active case na rin ang BJMP community.

Sa pinakahuling tala ng City Health Office, aabot na lang sa 54 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lunsod habang 1,709 na ang gumaling mula sa sakit.

Moira Encina

Please follow and like us: