10 pang Pinoy crew ng M/V Transworld Navigator nakauwi na sa bansa

Photo: DMW
Naragdagan pa ang mga Pilipinong crew mula sa barkong inatake ng Houthi rebels na nakabalik na sa bansa.
Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na 10 tripulante ng M/V Transworld Navigator ang ligtas na nakauwi nitong Martes ng gabi.

Photo: DMW
Ito ang ikalawang batch ng 27 Pinoy seafarer na lulan ng nasabing barko.
Pinagkalooban ng tulong pinansiyal at ng iba’t ibang assistance ang mga tripulante.
Moira Encina-Cruz