10 pasahero ng MRT 3 nagpositibo sa isinagawang voluntary antigen test

Sampung bagong pasahero ng MRT 3 ang nagpositibo sa isinagawang voluntary antigen test laban sa COVID 19.

Sa pahayag ng MRT 3, ang samou ay kabilang sa siyamnaput anim na pasahero na sumailalim sa test kagabi.

Sa patakaran ng MRT hindi na pasasakayin ng tren ang mga nagpositive at pinayuhang magreport sa kanilang baranggay para sa confirmatory test.

Sinabi ng MRT na magpapatuloy ang random antigen testing hanggang katapusan ng Enero at habang mataas ang kaso ng nagpopositibo sa virus.

Meanne Corvera

Please follow and like us: