11 mga Electric Cooperative sa Eastern Visayas Region nasa Albay na para tumulong sa power restoration sa Bicol Region

Nasa Albay, Bicol region na ang labing-isang mga Electric Cooperatives sa buong Region 8 para tumulong sa power restoration sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Rolly. 


Tinawag ang kanilang grupo na Team PRRD o Task force Power Restoration Rapid Development.


Kinabinilangan ito ng 97 mga electrician at linemen at nasa 23 mga heavy equipment na magtulung tulong para magkaroon na ng suplay ng kuryente sa lugar.


Layunin nilang mabilis na maibalik ang suplay ng kuryente sa Albay kung saan labis din itong napinsala ng bagyong rolly nitong nakaraang linggo.

Ulat ni Rose Marie Metran

Please follow and like us: