15 Dayuhang nagtungo sa Palawan,nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Health na nagpositibo sa COVID-19 ang 15 dayuhang turista na nagtungo sa Palawan.

Ayon sa DOH, ang 13 sa kanila ay asymptomatic habang nitong Abril 27 hanggang 28, ang 2 ay nakitaan ng mild symptoms.

Sumailalim sila sa RT PCR test noong Abril 29 at 30 kung saan positibo ang naging resulta.

Ayon sa DOH, nasa isolation facilities na ang 14 sa mga ito habang naka admit naman sa ospital ang isa.

Lahat ng 15 dayuhan ay fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, ipapadala naman sa Philippine Genome Center ang sample ng 15 dayuhan.

Sa ngayon patuloy pa ang pangangalap ng iba impormasyon ng DOH hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng mga nasabing dayuhan.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: