150,000 halaga ng shabu, nasabat sa isang big-time drug peddler sa Maguindanao

Arestado ang isang big-time drug peddler sa buy-bust operation na isinagawa sa Sitio 3, Barangay Kalipapa, Maguindanao.

Nakilala ang suspect na si Jodatu Fidel, 21-anyos, residente ng Barangay Balong, Northern Kabuntalan.

Sinabi ni Col. Jibin Bongcayao, Maguindanao police director, na nakuha mula kay Fidel ang nasa 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 150,000 piso.

Katuwang ng local police ang Maguindanao provincial police personnel at Army units mula sa 6th Infantry Battalion sa pagsasagawa ng operasyon.

Sinabi ni Bongcayao na ang “Ittihad” (Unity) ng Moro Islamic Liberation Front Task Force ang nagbigay sa kanila ng impormasyon hinggil sa iligal na aktibidad ng suspect.

Nakakulong na ngayon sa Datu Piang police jail ang suspect at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Please follow and like us: