17 units ng bisikleta ipinagkaloob sa isang paaralan sa Makati city

Pinasalamatan ni Mayor Abby Binay ang Integrated Bar of the Philippines, Rotary Club of Makati, Lakambini ng Comembo, at mga Kagawad ng Comembo sa pagkakaloob ng donasyong mga bisikleta.

Nasa 17 units ng bisikleta ang unang nai-turn over sa Comembo Elementary School sa ginanap na na kick-off activity ng Brigada Eskuwela sa naturang paaralan.

Aniya, malaking tulong ito para makatipid ang mga estudyante sa pamasahe at regular na makapasok sa paaralan.

Bukod dito, hindi pa nakadaragdag sa polusyon ang paggamit ng bisikleta.

Please follow and like us: